Key Points
- Dineklara ni Tedros Adhanom Ghebreyesus ng World Health Organisation ang international public health emergency na pinakamataas na alert level dahil sa mabilis na pagkalat ng Clade 1b variant.
- Iminungkahi naman ng European Centre for Disease Prevention and Control sa mga bibyahe sa mga apektadong lugar sa africa na magpabakuna laban sa Mpox.
- Wala pang naitatalang kaso ng bagong strain sa Australia pero may pagtaas sa bilang ng naunang strain na may 35 kaso na naitala sa nagdaang 15 araw mula sa iba't-ibang estado.