Pa'no ba iulat ang kapanganakan ng iyong anak kung ikaw ay Pilipino na nasa Australia

Report of birth for a Filipino child born in Australia

For Filipino citizens or Filipinos permanently residing abroad, like in Australia, to promptly register the birth of their child with the Philippine Embassy or Consulate General which exercises jurisdiction over the place of birth for such a birth to be registered with the civil registry of the Philippines. Credit: s_kawee/Envato

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

Ang kapanganakan ng isang Pilipino sa ibang bansa ay dapat na iulat at irehistro sa Philippine Statistics Authority sa pamamagitan ng Embahada o Konsulado Heneral na nakakasakop sa lugar nangyari ang panganganak. Pero pa'no ba ang proseso ng pag-uulat ng kapanganak ng inyong anak kung kayo ay nasa Australia?


Key Points
  • Ang Report of Birth ay isang deklarasyon ng impormasyon ng kapanganakan ng isang Pilipinong sanggol o bata na nasa labas ng Pilipinas.
  • Mahalaga ang pag-uulat ng kapanganak ng isang bata na may magulang na Pilipino upang mairehistro ito sa Philippine Statistics Authority.
  • Maaaring gawin ang Report of Birth ilang araw matapos ng kapanganakan hanggang sa loob ng isang taon. Kung hindi ito magagawa agad, kailangang magpasa ng Affidavit of Delayed Registration of Birth.
LISTEN TO THE PODCAST
Pa'no Ba: Report of Birth for Filipinos in Australia image

Pa'no Ba: Report of Birth for Filipinos in Australia

09:39
Sinumang Pilipino na nasa Australia na nanganak, o kamakaila'y nagsilang ay marapat na mag-ulat ng kapanganakan ng kanilang anak sa Civil Registry ng Pilipinas. Dito sa Australia, pwedeng gawin iyan sa pamamagitan ng Embahada Pilipinas o sa mga konsulado ng Pilipinas na nasa ilang estado ng Australia, kasama na ang Philippine Consulate sa Sydney at Melbourne.

Maaaring gawin ang Report of Birth mula sa pagkapanganak hanggang sa loob ng isang taon.

Kapag lumagpas na ng isang taon mula ng inyong panganganak, kailangang magpasa ng Affidavit of Delayed Registration of Birth.

Ipinaliwanag ni Yolly Sta Ana, Civil Register Officer sa Philippine Consulate General sa Sydney ang kabuuang proseso at mga kailangang dokumento.

Share