Mga laro, musika't sining: Paano natututo ang mga batang ito sa Central Coast ng wika at kulturang Filipino

These kids from Central Coast enjoy an array of games, arts and playtime with friends two hours every Saturday while learning about their parent's Filipino language and culture

These kids from the Central Coast engage in games, arts, and playtime with friends every Saturday during the school term, all while exploring their parents' Filipino language and culture. Credit: Filipino Class as supplied by Kristina Calisin-Porter

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

Ang pag-aaral ng wika ay walang pinipiling edad o limitasyon, maaaring matuto sa silid-aralan o maging sa labas din. Pakinggan ang pagbabahagi ng mga batang ito mula Central Coast ng kanilang masaya at kapana-panabik na paglalakbay sa pag-aaral ng wikang Filipino.


Key Points
  • Bilang ikalimang pinakamalaking komunidad ng migrante sa Australia, na may mahigit 310,000 residenteng ipinanganak na Pilipino na naninirahan sa bansa ayon sa 2021 Census, ang Filipino ay kabilang sa pinakakaraniwang wikang sinasalita sa buong Australia.
  • Para sa mga nakababatang henerasyon ng mga Filipino Australian, ang pag-aaral ng Filipino ay nagbibigay ng mas malalim na koneksyon sa kultura, kasaysayan, at komunidad ng Filipino.
  • Isang grupo ng mga magulang na Pinoy sa Central Coast, kasama ang Filipino Class sa Gosford, ay lumikha ng mga masasayang aktibidad upang panatilihing interesado ang kanilang mga anak sa pag-aaral ng wika at kulturang Filipino.
LISTEN TO THE PODCAST
Fun activities, music and arts: How these Aussie kids in Central Coast learn Filipino language and culture image

Fun activities, music and arts: How these Aussie kids in Central Coast learn Filipino language and culture

31:06
Dalawang oras ng mga aktibidad sa silid-aralan at mga laro sa labas kada linggo ang pinamumunuan ng Filipino Class sa Gosford, Central Coast ay ginagawang kawili-wiling pagkakataon para sa mga bata ang matuto tungkol sa kultura at wikang Filipino.

Pinapatakbo ng mga boluntaryo at sinusuportahan ng New South Wales Department of Education, ang Filipino Class tuwing Sabado kapag may pasok ang mga bata sa eskwelahan ay pinamumunuan ni Vavette Castro, isang dating guro sa Pilipinas na ang hilig ay magturo ng kanyang sariling wika sa mga bata sa Central Coast.
Filipino Story Time held at the Erina Library on the Central Coast
Students and members of the community enjoyed a Filipino Story Time held at the Erina Library on the Central Coast in celebration of Filipino Language Month. Credit: Filipino Class (Facebook)
Nitong Agosto, sa pagdiriwang ng Pilipinas ng Buwan ng Wka, ang kanilang klase ay nagkaroon ng pagku-kwentuhan sa Erina Library, tampok ang mga natatanging kwentong Pilipinong pambata.

Share