Key Points
- Ang alembong ay isang klase ng tinapay na binalutan ng ube syrup at binudburan ng dessicated coconut. Ito ay local panaderia staple sa Pilipinas, na hindi na gaano kilala at laganap ngayon.
- Kawangis ng pan de regla, bonete, pagong, putok, o sputnik.
- Binanasagan ng mga Pinoy na “alembong” dahil sa kaakit-akit na kulay at anyo nito. Sa Ingles, ang kahulugan ng alembong ay coquettish o flirtatious.
'Kumpara sa pandesal, hindi maituturing na classic na tinapay ang “alembong”, at marahil ang recipe ng alembong ay galing sa mga ingredient manufacturers.' Jenny Orillos, co-author ng Panaderia: Philippine Bread, Biscuit and Bakery Traditions,
May pagkakahawig ang “alembong” sa lamington, ngunit mas maraming pagkakaiba sa kulay, texture, lasa at pagkakagawa.
Tinalakay sa Kwentong Palayok kasama si Chef Francesca Palacio, chef and owner of Panaderya Sydney ang “alembong” at iba pang klaseng Pinoy bread na kinagigiliwan noon at ngayon.