'Higit pa sa wika't kultura': Hangad ni Teacher Amie na patibayin pa ang relasyon ng Australia at Pilipinas

Amy Warburton teaches kids cook turon.jpg

Arts and Filipino teacher Amie Warburton (middle) demonstrates to her Year 5/6 students how to cook the Filipino dessert 'turon'. Credit: Red Cliffs Primary School via Amie Warburton

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

Karaniwan na sa pamamagitan ng mga laro, pagluluto at mga dula-dulaan ang ginagawang pagtuturo ni Amie Warburton ng wikang Filipino sa kanyang mga estudyante mula Prep hanggang Year 6. "Tinuturo ko 'yung mga nasa curriculum pero very modified siya kasi ako pa lang ang kauna-unahang Filipino Language Other than English (LOTE) teacher sa school namin."


Key Points
  • Ang pag-aaral ng wika ay maaaring gawing masaya at interesante para sa mga bata.
  • Maaaring gumamit ng iba't ibang sining, mga kanta't musika, dula at maging pagluluto para lalong ma-engganyo ang mga bata na matuto.
  • Para sa guro na si Amie Warburton ang pagtuturo niya ng wikang Filipino sa Victoria ay higit pa sa pag-aaral ng mga salita kundi ay kaalaman sa kulturang Pilipino.
LISTEN TO THE PODCAST
Amie Warburton teaches Filipino as a language other than English in Victoria image

Amie Warburton teaches Filipino as a language other than English in Victoria

25:18

Pagiging isang guro ng 'Language other than English'

'"Usually mga games, gaya ng patintero, may cooking lessons din kami. Naituro ko na sa mga bata ang pagluto ng turon, pansit bihon pati sinangag at ube ice cream," masayang kwento ng guro mula Red Cliffs Primary School na si Amie Warburton.

Taong 2021 nang sinimulan ni Amie ang pagtuturo ng wikang Filipino sa nabanggit na eskwelahan.

"Kumakanta rin kamii dahil mas madaling matandaan ng mga bata ang mga inaaral namin kapag kinakanta namin ang mga ito."

"Ang mga Prep hanggang Grade 2, usually singing and actions ang ginagawa namin."
Amie class - sarimanok.jpg
Making learning Filipino fun-filled and colourful with arts and crafts. Credit: Red Cliffs Primary School (Facebook)
"Halimbawa na ang subject namin ay tungkol sa mga hugis at kulay, mga hands-on na mga laruan. Parang puro laro lang lahat pero nare-retain sa isip nila 'yung mga inaaral namin," paliwanag ni Amie.
Learning the Filipino culture
Through arts, children at Red Cliffs Primary School also learn the Filipino language and culture. Credit: Supplied by Amie Warburton
"Gumagamit rin ako ng dagdag na resources gaya ng Smart Learning Suite online para makatulong sa pagkatuto ng mga bata lalo na marami sa mga bata ngayon ay nahihilig sa digital learning."

Sa pagtuturo bilang isang guro ng LOTE, mahalaga ani Warburton na piliin ang mga paksa na naaangkop sa edad ng mga batang mag-aaral lalo na para sa kanya na mula Prep hanggang Year 6 ang kanyang mga tinuturuang mga bata.
Cooking lessons with Filipino teacher Amie
Year 5 and 6 students enjoy learning Filipino through their cooking lessons with Teacher Amie. Credit: Red Cliffs Primary School (Facebook)

Mga batang Aussie natututo ng wikang Filipino

"I'm so proud of my students, even those in Prep, who are engaging in every Filipino lesson that we do."

Ibinahagi ng guro na tubong-Catanduanes na natutuwa siyang makita na hindi lamang natututo ang kanyang mga estudyante ng mga salita sa wikang Filipino kundi interesado rin ang mga ito na lalo pang alamin ang tungkol sa kulturang Filipino.

"Dalawa lang ang half-Filipino na estudyante ko dito sa school namin, meron ding ibang kultura pero nasa higit 90 per cent ay mga Australian."

Aniya maging nga magulang ng mga bata ay maganda ang tanggap sa kanilang pagtuturo ng Filipino sa eskwelahan.

"May mga magulang pa nga na nagpapadala ng mensahe na tuwing uuwi daw yung kanilang anak ay may bagong salita na kanilang natutunan."

Para kay Gng Warburton, sa bawat leksyon na kanyang itinuturo ay lalong lumalalim ang kaalaman ng mga bata sa wika at kulturang Filipino.
Amie art exhibit 2023.jpg
In their school's Grandparents' Day in June 2023, Amie Warburton put together an Art Show featuring her students art works. Credit: Red Cliffs Primary School

Programa ng 'Sister-school' sa Australia at Pilipinas

Isang sister-school program ang sinimulang ipatupad ng paaralan ng Red Cliffs Primary School (RCPS) kung saan pumili ito ng isang eskwelahan sa Pilipinas na makakatuwang nito sa higit na paglinang ng pag-aaral ng mga batang Australian ng wikang Filipino at ng wikang Ingles para sa mga Pinoy na bata.

Sa isang ideya na iminungkahi ng punung-guro ng RCPS na si Luke Jeffers, pinangasiwaan ni Amie Warburton ang pakikipag-usap sa Manggahan Elementary School sa Rodriguez, Rizal para sa partnership ng dalawang paaralan.

"Gusto namin na lalong mapalakas ang relasyon ng Australia at Pilipinas sa pamamagitan ng aming paaralan."
Amie - Manggahan Elem school.jpg
Red Cliffs Primary School teacher Amie Warburton (second from left) with their sister-school, Manggahan Elementary School's principal Theresa Sapan Francisco and teachers Malou Junsay and Austreliet Cablao. Credit: Amie Warburton
Sa pamamagitan ng "Zoom video links at pwede ring magkaroon ng e-penpals yung mga estudyante namin dito at iyong mga natututunan nila mula sa akin pwede nilang mai-apply in real life."

"Ganundin yung mga bata sa Pilipinas, ma-practice nila yung English nila kasi iba rin yung may kasulatan ka."

Bago lumipat sa Australia noong 2002 si Amie Warburton mahigit 10 taon itong naging guro sa Pilipinas kaya naman tunay ang saya niya na maipagpatuloy ang pagtuturo sa mga bata, lalo na ng wikang Filipino.

Share