Mga pasahero dismayado sa mga kanseladong flights ng Cebu Pacific

cEBU pACIFIC.jpg

Cebu Pacific Air Credit: Cebu Pacific Air

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

Mga pagbabago sa network-related schedule ang paliwanag ng Cebu Pacific Air sa kanselasyon ng flight sa pagitan ng Melbourne at Manila mula 30 October 2022 hanggang 25 March 2023.


Key Points
  • Humingi ang Cebu Pacific ng dispensa sa mga apektadong pasahero matapos ang kanselasyon ng flights sa pagitan ng Melbourne at Manila.
  • Ilan sa opsyon ng mga apektadong pasahero ang lumipad sa pamamagitan ng Sydney to Manila flight, travel fund o refund.
  • Dismayado ang mga pasahero at humihiling ng mas detalyadong paliwanag.
l.jpg
How to listen to this podcast Source: SBS
Nasira anya ang masaya sanang long weekend holiday ni Janeca Gross mula sa Melbourne matapos matanggap ang e-mail noong Huwebes na kanselado ang kanyang flight pauwi ng Pilipinas sa darating na kapaskuhan.
First thing that comes to my mind is it's cancelled but why?! Why did I book so far away, I was trying to save money and I was trying to plan ahead.
Janeca Gross, affected passenger.
Nag-book si Janeca nitong Hunyo sa Cebu Pacific Air ng Melbourne to Manila flight para sa 09 December 2022 at return flight Manila to Melbourne sa 10 January 2023.

Ngunit hindi lang flight ni Janeca ang kanseladong byahe.

Sa ipinadalang pahayag ng Cebu Pacific Air sa SBS Filipino, kinumpirma nitong kanselado ang mga flight sa pagitan ng Melbourne at Manila mula 30 October 2022 hanggang 25 March 2023 dahil sa mga pagbabago sa network-related schedule.

Humingi ang airline ng dispensa at sinabihan na anila ang kanilang mga apektadong pasahero ng mga opsyon na maaring gawin.
Hindi naman matanggap ni Janeca ang rason ng airline.

"I still don't accept it cause I want them to understand that they are operating people who are knowledgeable and have travelled many times not just in the Philippines but all over the world.

I understand cancellations. It happens but tell us the reason why it has been cancelled. Is it about resourcing? Other people thought its about ground staff na baka wala palang enough people or not enough flights to meet a certain number in Melbourne."

Isa lang si Janeca sa naapektuhan ng kanselasyon pero ilang pasahero pa ang naglabas ng kanilang pagkadismaya sa social media.

Sa mga opsyon na inilatag ng airline, pinili ni Janeca ang refund bagaman labag sa kanyang kalooban.

Nais niya ang direktang flight na Melbourne to Manila lalo't may kasama siyang bata.

"I personally ask for a refund even though I'm not happy with the amount of time it will take, but that's the option for me because I want to do direct flights still. So I've got to spend extra money to accommodate my direct flight, but that's what I have to do."
Janeca Gross.jpg
Janeca Gross from Melbourne
Nagmungkahi din siya sa mga nagbayad ng tiket sa pamamagitan ng bangko sa Australya na maghain ng dispute transaction sa kanilang bangko na mas mabilis anya kaysa maghintay ng dalawang buwan ng refund.

Sa paghingi ng paumahin ng Cebu Pacific Air sa kanilang mga apektadong pasahero, sinabi din nitong patuloy na tinitingnan at sinusuri ang ruta ng Melbourne to Manila lalo’t tahanan ito ng maraming Pinoy sa Australia.

Magbibigay din anya sila ng karagdagang update kaugnay dito.

Share