SBS Examines: Ano ang kahulugan ng genocide?

CANADA-INDIGENOUS-SCHOOL

The word genocide can be used to protest or express grief, but proving it in court is a challenge. Source: AFP / Cole Burston/AFP via Getty Images

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

Ang "genocide" ay isang malalim na termino – tinatawag itong “crime of crimes.” Kailan nagiging genocide ang malawakang karahasan at bakit mahirap itong patunayan at patawan ng parusa?


Noong 1944, nagmula sa Polish na abogadong si Raphael Lemkin ang terminong ‘genocide,’ bahagi ng tugon sa Holocaust, pati na rin sa mga nakaraang pangkasaysayang kaganapan.

Pinagsama niya ang Greek prefix o unlapi na ‘genos,’ na nangangahulugang lahi, at ang Latin suffix o hulapi na ‘cide,’ na ang ibig sabihin ay pagpatay.

Dahil sa pangampanya ni Lemkin, binuo ang Genocide Convention noong 1948.

Higit sa 150 bansa ang kasapi na ngayon sa kasunduan na nangangahulugang may responsibilidad silang pigilan at parusahan ang krimen ng genocide.

Ngunit sa kabila ng daan-daang mga kaganapan at sitwasyon na maaaring mapasailalim sa depinisyon ng genocide, kakaunti lamang ang nakamit ang legal na pagkilala.

Ito ay dulot ng iba't ibang mga political at legal na salik.

Gayunpaman, madalas nating naririnig ang salitang 'genocide' na ginagamit upang ilarawan ang nakasisirang pagkasira – hindi lamang sa konteksto ng internasyonal na batas.

Maraming iskolar ang sumasang-ayon na ang termino ay maaaring gamitin upang ipahayag ang kalungkutan at protesta.

“It becomes a way to translate different experiences of grave abuse,” ayon kay Vasuki Nesiah, propesor ng Practice in Human Rights and International Law sa New York University.

Ang episode na ito ng SBS Examines ay tumatalakay sa kontrobersyal na kasaysayan ng krimen ng genocide at inoobserbahan kung paano ginagamit ang salita sa kasalukuyan.

Share