Latest

COVID-19 update: Epekto ng long COVID at mga kaso ng reinfection sisiyasatin ng parliamentary committee

Ito ang inyong COVID-19 update ngayong ika-5 ng Setyembre

AUSTRALIAN ISLAMIC CENTRE POP UP VAX CENTRE

A resident consults with a healthcare worker at a COVID-19 vaccination clinic in Melbourne. (file) Source: AAP / JAMES ROSS/AAPIMAGE

Key Points
  • Mga batang may edad lima pababa na madaling mahawaan ng COVID-19, maaari na makatanggap ng bakuna simula ngayong araw
  • Mga eksperto, nagbabala ng masamang epekto ng pagbabawas ng isolation period at pagtanggal ng mandato sa pagsusuot ng mask
  • Chief health officer nagbigay din ng babala sa pagbabawas sa isolation period
Ngayong Lunes, umabot sa 11 ang naiulat na namatay dahil sa COVID-19, apat dito ay naitala sa Victoria at tigalawa naman ang naiulat sa New South Wales at Queensland.

Susuriin ng federal parliamentary committee kung paano nakakaepekto ang long COVID sa kalusugan, ekonomiya, at edukasyon.

Sinabi ng deputy chair ng komite at Liberal MP na si Melissa McIntosh na gustong makarinig ng komite mula sa mga taong may long COVID o na-reinfect ng coronavirus.

Maaaring ibahagi ng mga residente at organisasyon ang kanilang mga karanasan sa komite bago ang Nobyembre 18.

Alamin ang pinakahuling bilang ng kaso, pagka-ospital at pagkamatay dahil sa COVID-19 sa

Binatikos ng ilang eksperto na sina Nancy Baxter at C Raina MacIntyre ang mga pulitiko dahil sa desisyong pagbabawas ng isolation period at pagtanggal ng mandato na pagsusuot ng face mask sa mga domestic flights.

Anila, magdudulot ito ng pagtaas ng hawaan sa mga opisina at paaralan.


"When our next wave comes, this will result in even more people being furloughed because they are sick with COVID or caring for others, defeating the ultimate purpose of the change."

Nagbabala ang punong opisyal ng kalusugan ng Victoria na si Professor Brett Sutton na ang karagdagang pagbawas sa isolation period ay maaaring humantong sa "patuloy na pagtaas ng mga kaso, pagkaospital ayt pagkamatay sa Victoria ngayon at sa hinaharap," ayon sa ulat ng The AGE.

Samantala, maaari nang magpabakuna ang mga batang wala pang limang taong gulang at may malalang kondisyon sa kalusugan.


Ayon sa Australian Technical Advisory Group on Immunisation pinag-aaralan pa nila ang bivalent COVID-19 vaccine ng Moderna na panlaban sa naunang virus at iba pang Omicron subvariant.

Inaprubahan ng Therapeutic Goods Administration (TGA) ang bakuna noong 29 Agosto. Aprubado na din ang bakuna sa UK at US.

Alamin kung saan may long COVID clinic sa inyong lugar

I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nakakuha ng positibong resulta.
Bago kayo bumyahe patungong ibang bansa,

Basahin ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 sa sariling wika sa



Share
Published 5 September 2022 5:37pm
Updated 5 September 2022 5:44pm
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends