Latest

COVID-19 update: 31,000 na Australyano, nagpapa-abisong hindi makapasok sa trabaho dahil sa long COVID

Ito ang inyong COVID-19 update ngayong ika-26 ng Agosto.

AUSTRALIAN FACE MASKS COVID-19

Workers use sewing machines to sew face masks at a Carrum Downs factory in Melbourne. (file) Source: AAP / MICHAEL DODGE/AAPIMAGE

Key Points
  • Novavax vaccine, maaari nang ma-access ng mga kabataan simula Setyembre 5
  • Mga kababaihang buntis at nagpapasuso na may edad 30-49, maaari nang makakuha ng ikalawang booster dose
  • US, Spain at Brazil nagtala ng pinakamataas na kaso ng monkeypox noong nakaraang linggo
Ngayong Byernes, umabot sa 62 ang bilang ng namatay dahil sa COVID-19 sa Australia, 25 dito ay naiulat sa Victoria at 22 naman sa New South Wales.

Alamin ang pinakahuling bilang ng kaso, pagka-ospital at pagkamatay dahil sa COVID-19 sa

Simula Setyembre 5, maaari nang maka-access ng Novavax COVID-19 vaccine ang mga kabataang may edad 12 hanggang 17.

Batay sa Treasury data na inilabas ng News Corp, umabot sa 31,000 ang bilang ng mga Australyanong manggagawa ang nagpapaabisong hindi makakapasok sa trabaho dahil sa long COVID.

Nakatakdang i-roll out ang Moderna Spikevax vaccine sa Australia para sa mga batang may edad lima pababa simula Setyembre 5.

Maaaring tignan rito ang para sa karadagang impormasyon para sa mga magulang. Ngunit sa ngayon, hindi pa bukas ang appointment para sa pagpapabakuna.

Inanunsyo ng gobyerno na maaari nang makakuha ng pangalawang booster dose ang mga buntis at nagpapasusong kababaihan na may edad 30-49.

Sinasabi rin na mababa ang panganib na magkaroon ng malalang karamdaman ang mga kababaihang makakatanggap ng tatlong dosis.

Samantala, bumaba na sa 21 porsyento ang bilang ng naiulat na kaso ng monkeypox sa buong mundo, batay yan sa pinakabagong ulat ng World Health Organization.

Nagtala ng matataas na kaso ng monkeypox ang US, Spain, Brazil, Germany, UK, France, Canada, Netherlands, Peru at Portugal .

Alamin kung saan ang mga COVID-19 testing clinic sa inyong lugar

I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nakakuha ng positibong resulta.

Bago kayo bumyahe patungong ibang bansa,

Basahin ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 sa sariling wika sa



Share
Published 26 August 2022 2:22pm
Source: SBS


Share this with family and friends